(as posted in FB) TLDR: I hate our current transport system, but still optimistic about it. Explicit content ahead. Para sa isang tao na galing sa isang bansa na maayos ang train system, bus system, water transit system, etc, ikaw nalang talaga mapapa-face palm at malulungkot. Galing akong Thailand kanina (from a 7-day study/work trip), although may difficulties sa bookings sa Grab, sa Bus System, sa Tuktuk (na parang tricycle/habal habal), etc, nakarating naman sya sa expectations ko. Maayos ang queue system nila, you buy ticket or pay sa transit mismo, smooth flowing. Yung terminal ng Airplanes ay interconnected sa Bus, Water Transit, Subway, and Train Station (yung tinatawag nilang BTS). Best part? Di ako nag aalala kung may mawawala saaking gamit at kung magiging mahirap yung travel (swerte ko lang din siguro).
Tapos dumating na ako sa Pinas, around 4-5pm. Nag book ng grab pauwi. After 4 tries, meron nag pick up. Tapos surge price. Okay lang sige. Travel time 1-2 hours dahil traffic kahit sa skyway. Nakauwi na, pagod pero excited umuwi sa Naic. Nagayos ako ng mga pasalubong para sa mga kapatid, Tita, at Mom ko. Yung mga pinaghirapan kong kitain sa trabaho, binili ko ng mga pasalubong para kahit pano matuwa sila (wow lakas maka-ofw). So madaling sabi, nag ayos ako ng gamit at umabot ng 8-9pm sa unit. Bumaba ako galing sa unit at nag antay ng bus, wala. May PITX na nga pala. So nag MOA ako, pag dating ng MOA, nag tanong ako kung pano pumunta ng PITX, maghintay daw ako sa Globe. Nag hintay. Walang dumating. Nag tanong sa mga tao at isa lang nakapagbigay ng sagot at yung pinaka malungkot na sagot nakuha ko: "Walang tao don toy, hindi nag click, kung gusto mo umuwi pa-Naic, pumila ka FX, o sa Baclaran, madaming bus". Nag check ako ng Grab from MOA to PITX, 250 surge (beh anu na? Sobrang OA ng price, para akong nag Manila to Paranaque) So pumila ako nalang ako FX. 9-ish pm (wasted na ako at exhausted). Alam mo yung hassle na ang dami kong dala, tapos ang hirap pumila kasi parang bulate yung pila sa haba (wow seryoso, ascaris levels). So pila nalang. Mainit. Mausok. Nakakahassle. Tapos makakaranig ka pa sa kapwa commuter na "uy galing palengke" (wow kung alam mo lang kung saan ako galing). Okay finally malapit na sumakay, sa harap sana ako sasakay kasi may trust issues ako dahil sa mga nangyari saakin noon (char). Hindi daw pwede sabi ni Manong, so okay pumasok ako sa loob. Pag pasok ko, may sumakay na couple sa harapan. Like putang ina napaka judgemental lang. Pero sige go lang. On transit na, at dumaan kami sa gilid ng PITX, totoo sinabi ni kuya, wala ngang tao sa PITX. Sobrang nalungkot ako. Tapos mas nakakalungkot pa, traffic sa express way. Sana sasusunod maging mas maayos pa yung transit system natin. Ireinforce yung policies at gumawa ng strategies. Ayun hanggang ngayon, nandito pa din ako. Nag susulat nitong post na to. Nalulungkot ako. Namimiss ko ang Bangkok. Pero ayun. Hopeful pa din naman para sa Pinas.
0 Comments
Your comment will be posted after it is approved.
Leave a Reply. |
AuthorGelo Arellano Archives
January 2021
Categories
All
|